25 ISF Holder sa Casiguran, muling mapagkakalooban bilang mga benepisyaryo ng ISF program ng gobyerno

Nagsagawa ng pulong sa kagawaran ng Department of Environment and Natural Resources ng Casiguran, Aurora noong Enero 24, 2014 bilang paghahanda para sa pagre-renew ng programang Integrated Social Forest (ISF) sa Barangay San Ildefonso “Peninsula”, Casiguran, Aurora.

Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa ISF holder, ENRO Aurora, CENRO Casiguran, MENRO Casiguran, Bataris, PIGLAS-CA, at APECO bilang makakasama sa technical working group sa mga susunod na buwan.

Umaabot sa may 25 ang ISF holder sa Sitio Dalugan ng nasabing Barangay ang magtatapos sa kanilang 25 taong kontrata bilang mga ISF holder. Inaasahan naman na muling maipagkakaloob sa kanila ang karagdagang 25 taong bilang mga binipisyaryo ng ISF program ng gobyerno batay na rin sa mga alituntunin at layunin nito.

Ayon kay CENRO Alfredo Collado ng Casiguran, maaaring mapagkalooban ng kontrata ang mga ito depende kong nakatupad  sila sa isinasaad ng ISF na siyang magiging basehan, malalaman ito kapag nagsimula na ang ebalwasyon ng grupo sa erya.

Binigyang diin pa ni Collado na “huwag ng pahirapan” pa ang proseso sa pagkakaloob nito, at ito naman ay sinang-ayunan ng kapulungan.

Masaya naman ang mga ISF Holder na marerenyo ang kanilang ISF at maipagpapatloy nila ang pagpapaunlad sa kanilang lupaing.

Ito umano ang kauna-unahang pagkakataon na pag-rerenyo ng mga ISF sa lalawigan ng Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments