Kailangang
pasanin ang krus ng sino mang nais sumunod kay Kristo bilang mga Bininyagan,
ito ang ipinayahag sa humiliya ni Rev. Fr. Sanny Quijada, Assistant Parish Priests
ng San Luis Obispo Parish, Baler, Aurora kaninang (Enero 9) alas 3:00 ng hapon
sa Banal na Misang isinagawa sa Kapistahan ng Itim na Poong Nazareno sa
Simbahan ng Baler.
Ayon pa kay
Fr. Quijada, napakasemple lamang ang ipinapaanyaya ni Kristo sa mga Binyagan,
ang pagsunod sa kayan, dahil ang Diyos ang pag-ibig, ang sino mang umiibig sa
kapwa ay siyang tunay na anak ng Diyos.
Dagdag pa ni
Quijada, ang mga taong nagsasabi na mahal ko ang Diyos pero napupuot naman sa
kanyang kapwa, may galit sa kanyang kapatid, maydala-dalang hinanakit sa
kanyang puso at hindi marunong magmahal sa kanyang kapwa ay maituturing na
sinungaling.
Matapos ang
Banal na Misa ipronesisyon ang lahat ng Imahen ng Itim na Nazareno na dala-dala
ng mga deboto sa sentrong Bayan ng Baler at muling ibinalik sa Simbahan at
binasbasan.
Comments
Post a Comment