Isnagawa kahapon
(Jan.23) ng umaga sa AMCO Beach Resort ang Assessment and Evaluation sa
programang Boses ng Kabataan at sa mga Bulilit Broadcaster ng naturang Radio
program.
Ang Boses ng Kabataan
ay isang programa sa Radyo na itinataguyod ng Save the Children, isang
organisasyong nagtataguyod ng mga proyekto at programa ukol sa Climate Change,
kung saan nakasentro kanilang gawain sa mga kabataan sa komunidad, kabilang na
ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan.
Ang programang
Boses ng Kabataan ay nagsimulang sumahimpapawid noong buwan ng Agosto 2013 at
natapos ito noong nakaraang Disyembre ng nakalipas na taong 2013.
Ang nagsilbing
host sa naturang programa ay ang sinanay na kabataang mag-aaral buhat sa bayan
ng Baler, Dipaculao, Maria Aurora at Dinalungan.
Kahapon nga ay
isinagawa ang assessment and evaluation sa naturang programa at sa mga
kabataang mag-aaral na nagsilbing mga host.
Lumabas sa
isinagawang evaluation na naging matagumpay ang naturang programa, ibinase ito
sa mga natanggap na text message mula sa mga tagapakinig.
Nagbunga naman
ng malaking pagbabago sa ugali at pakikitungo sa kapwa at komunidad ang resulta
sa mga bulilit broadcaster at higit sa lahat ayon sa mga ito ay lalo silang
namulat sa katotohanang dapat talagang ingatan at mahalin ang inang Kalikasan upang
ito ay huwag tuluyang masira.
Naging tagapagsalita
sa naturang aktibidad si G. Willian Azucena, program manager ng Save the
Children sa Aurora, si G. Rey Fernando ng 101.7 Spirit Fm Baler.
Matapos ang
evaluation ay ang pagkakaloob ng sertipiko ng pagkilala sa mga bulilit
broadcaster’s at sa mga guro na nagalasakit sa katatapos na Radio Program.
Comments
Post a Comment