Isang lalaki, binaril sa bayan ng Dingalan, Patay.

Patay ang isang lalaki sa bayan ng Dingalan, Aurora makaraang ito’y barilin sa ulo ng dalawang hinihinalang gun man sa Barangay Paltic noong lunes, ika-6 ng Enero 2014 ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Jackson Samson y Badrina, 41 taong gulang, may asawa at residente ng Purok Kamagong, Barangay Paltic, Dingalan, Aurora.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng CMN News, naganap ang pamamaril dakong alas 5:45 ng hapon, ang biktima ay binaril ng malapitan ng suspek habang ito ay nasa loob ng kanilang tindahan.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang sentido  ang biktima na tumagos sa kaliwang panga nito.

Matapos ang pamamaril naglakad pa umano na tila walang nangyari ang suspek patungo sa naghihintay na kasama – sakay ng motorsiklo mabilis na tumakas ang mga ito.

Naidala pa umano sa Dingalan Community Hospital ang biktima, subalit idineklara itong Dead On Arrival.
 
Patuloy paring iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari upang matukoy kung sino ang mga suspek sa naganap na kremen. (Rey S. Fernando)

Comments