Hinaras ng mga
pinaghihinalaang miyembro ng 56th IB Philippine Army na naka base sa
Barangay Calabuanan, Baler, Aurora ang isang Lider Organisador ng Samahan ng
mga Kababaihan sa Aurora (SAMAKA) na nasa ilalim ng Panlalawigang Alyansa ng
mga Magbubukid sa Aurora (PAMANA).
Base sa
isinagawang imbestigasyon ng Multi-Sectoral Action Group of Aurora - Human
Rights/Quick Response Team (HR/QRT) Committee at base narin sa salaysay ng biktima
na hindi muna nagpabanggit ng kanyang pangalan, humigit kumulang ika-11:00 ng
gabi hanggang ika-2:00 ng madaling araw noong Enero 16 at 17, 2014, nakita
umano ng mga kapitbahay nito na pinalibutan
umano ang bahay ng biktima sa Sitio Ilaya, Barangay Zabali, Baler, Aurora ng
tinatayang nasa 15 unipormadong sundalo habang ito ay natutulog.
Ayon pa sa
grupo ng MSAG HR/QRT, pumasok umano ang ilang pinaghihinalaang miyembro ng Army
sa loob ng bakuran ng biktima at sumilip ang mga ito sa siwang ng bahay ng
biktima habang ang iba naman ay pawang mga nakadapa sa labas ng bakuran, na
nagtagal ng halos 3 oras bago mabilis na umalis ang mga ito.
Comments
Post a Comment