Naging napaka-makabuluhan ng
pagsalubong ng lalawigan ng Aurora sa pagdating ng bagong taong 2014.
Ito ay dahil sa isang di
karaniwang pagdiriwang ng con-celebrated mass ng Parokya ng San Luis Obispo sa
pangunguna ni Rev. Fr. Nilvon Co Villanueva.
Sa pagtatapos ng kanyang
homiliya sa nasabing misa, isang taimtim na panalangin ang hiniling niya sa mga
dumalo sa misa at sa kanyang personal na panalangin, hiniling nito ang isang
isang bukas na pamunuan, mula sa karukhaan at pagiging simple ng isang
namumuno. Hindi naman ito nabigo dahil aniya, naniniwala siya na may
posibilidad ang gayon. Bilang patotoo, personal na inanyayahan ni Fr. Nilvon si
Aurora Gov. Atty. Gerardo Noveras para sa isang mahalagang mensahe para bayan
at sa lalawigan.
Sa kanya namang pananalita,
lubos na nagpasalamat si Governor Noveras sa napakalaking pagkakataon at
prebilihiyo na ibinigay sa kanya upang makapagpasalamat sa lahat ng mga dumalo
sa misa at maging sa mga nakikinig sa 101.7 Spirit FM live coverage ng misang
ito.
Sa kanyang pasasalamat,
nanawagan si Noveras na magpasalamat sa lakas na ipinagkaloob sa atin upang
buong tatag na harapin ang bagong hamon ng buhay. Aniya, nawa ang mga naranasan
natin sa nagdaan taon ay dapat nating ipagpasalamat, maging masaya man ito o malungkot.
Personal din niyang
pinasalamatan si Fr. Nilvon sa pagkakataong ito at sa taumbayan ay nanawagan si
Noveras na bantayan siya kanyang pamumuno at punahin sa kanyang mga magagawang pagkukulang
sa kanyang panunungkulan.
Comments
Post a Comment