Kritikal ang
isang lalaki matapos itong saksakin ng kanyang kainuman noong linggo (Enero 19)
ng hapon sa Bayan ng Dipaculao.
Ang biktima ay
nakilalang si Rodrigo Ruiz, 59 na taong gulang, residente ng Barangay Mucdol sa
Bayan ng Dipaculao, Aurora.
Samantalang ang
suspek ay nakilala namang si Mario Ruiz, pamangkin ng biktima.
Ayon sa
report, habang nag-iinuman umano ang mag-amain kaharap ang isa pa kainuman,
nang magtalo ang biktima at ang suspek.
Sa kainitan ng
pagtatalo ay bigla na lamang umanong sinaksak ng suspek ang biktima.
Nagtamo ng
malalalim na sugat ang biktima sa sikmura.
Agad namang
nahuli ng mga Barangay Opisyal ang suspek.
Samantala ang
biktima ay mabilis namang isinugod sa pagamutan.
Comments
Post a Comment