25 Buffalo, ipinagkaloob ng pamahalaan ng Aurora sa mga magsasaka

Ipinamahagi na kahapon sa bayan ng Baler ang unang 25 Buffalo  sa mapapalad na magsasaka na benepisyaryo ng Phil. Carabao Center o PCC na nakabase sa CLSU Science City of Muňos sa Nueva Ecija.

Ang mga naturang Kalabaw ay bahagi ng 100 Buffalo na ipagkakaloob ng PCC dito sa lalawigan ng Aurora.

Sa sempleng awarding ceremony na ginanap sa harapan ng tanggapan ng provincial Veterinary Office, pinangunahan nina Project Head Dr. Angelo Silvestre, Provincial Admin. Semion De Casiro, Kon. Gina Ritual at Itok Tropicales at G. Paulo Bautista Chairman ng Samahan ng mga Magsasaka at maggagatas ng Baler at ilang pang mga opisyal ng Munisipyo at panlalawigang pamahalaan ang pagkakaloob ng mga imported  na Kalabaw sa mga magsasaka.

Ayon kay PCC Director Atabay ang mga Kalabaw ay buhat pa sa bansang italya at ang bawat isa nito ay nagkakahalaga humigit sa 300 libong piso.

Ang pagkakaloob ng mga naturang hayop ay programa ng pamahalaan at ng PPC hinggil sa Dairy Development Program for Milk, meat, draft ang hide sa lalawigan ng Aurora.

Samantala ngayong araw ng Biyernes 25 Kalabaw pa ang ipagkakaloob naman sa bayan ng Dipaculao at ang nalalabing 50 Buffalo ay ipapamahagi naman sa mga magsasaka ng bayan ng Maria Aurora at San Luis.

Labis naman ang kagalakan ni Moises Crisanto isang magsasaka ng Barangay Calabuanan, Baler na napagkalooban ng imported na Buffalo, sinabi nito na aalagaan niya ng husto at patatabain ang naipagkaloob sa kanya na Kalabaw, dahil ito aniya ay isang malaking biyaya na kaloob sa kanya ng pamahalaan. (Rey S. Fernando)

Comments