64 matagumpay na nagsipagtapos sa kursong Electric and Building Wiring Installation at Plumbing - Skills Caravan Movement Phil. Inc. Aurora

Matagumpay na naidaos noong Sabado ang magkasunod na programa ng pagtatapos ng mga sumailalim sa 20 araw na Skills Caravan Training na itinataguyod ng Skills Caravan Movement Phil. Inc. o SCMP.

Unang isinagawa ang 18th Commencement Exercise, dakong  9:30 sa himpilan ng 70IB Bravo Coy. sa Barangay Calabuanan, Baler, Aurora kung saan ay 14 na miyembro ng Civilian Armed Forces Geograpical Unit (CAFGO) sa ilalim ng pamumuno ni Capt. Niel Pederito Carolino C.O ng 70IB ang nagtapos sa kursong Electrical and Building Wiring Installation.

Naging pangunahing tagapagsalita sa naturang pagtatapos si Ltc. Jessie Trinidad Ex. O ng 56 Inf. Bat.
Samantala alas 2:00 naman ng hapon ng idaos ang 19th Commencement Exercise ng Skills Caravan sa Barangay Reserva, Baler, Aurora, umabot sa mahigit 50 mag-aaral na karamihan ay mga kabataang Out of School Youth ang sumailalim sa naturang pagsasanay sa mga kursong Electric and Building Wiring Installation at Plumbing.

Kabilang sa nagtapos sa Plumbing ay isang edad 70 taong gulang na si retired teacher  Ernesto Custodio.

Ang pagtatapos ay isinagawa sa Multi Purpose Hall ng Barangay Reserva, naging pangunahing dito ang punong Barangay na si Kap. Michael Valenzuela at ilang mga Kagawad ng Barangay, Mayor Nielanto Bihasa, Prov. Admin Semion De Castro, kinatawan ni Gov. Gerardo Gerry Noveras at ang mga tagapagsanay ng Dep-Ed ALS.

Ang programang Skills Caravan ay programang pinasimulan ni G. Nilo H. Beltran at siya ring Pangulo at tagapagtatag ng SCPI. Katuwang sa programang Skills Caravan ang Dep-Ed DZJO Spirit FM Baler, kung saan may programa sa Radyo si G. Beltran at ang Central Luzon Media Association. (Rey S. Fernando)

Comments