Bagsakan Baler Public Market, No Retail, mahigpit na ipinatutupad



Mahigpit na seguridad sa pag-iinspeksiyon ng mga ticket sa bagsakan center ng pampamilihang bayan ng Baler, ito ang ipinatutupad ng mga ahensyang nakakasakop doon.

Bunsod ng mga reklamong natatanggap nito sa ilang mga nagtitinda ng mga gulay sa wet section area. Maayos na pag-verify ang isinasagawa ng mga naka talagang  tagapag monitor sa lugar, hinggil sa no retail policy na ipinatutupad.

Sa pagbibigay ng ticket, depende umano sa laki at dami ng mga paninda ng bawat may ari ng mga pwesto ito ay ayon kay Ginoong Val  Baribal, isang ticket checker.

Ayon pa kay  Baribal, naglagay na rin sila ng price update list ng mga gulay at tamang presyo ng mga ito bawat kilo. Ito ay isa rin sa mahigpit nilang binabantayan kada linggo. (Melanie Hugo)

Comments