Bantay kurapsyon group, planong buuin ng mga NGO’s sa Aurora

Pagbuo ng isang grupong magbabantay sa mga nangyayaring iregularidad sa pamahalaan, ito ang nabuong plano sa isipan ng mga dumalo sa isinagawang seminar and workshop noong Sabado (Feb.8, 2014) na isinagawa sa Bataris Formation Center, Baler, Aurora.

Monitoring and reporting public transparency and accountability ang tema ng naturang seminar.

Pinangunahan ito nina Rowena C. Paraan, chairperson ng National Union of Journalist in the Philippines (NUJP) at nagsilbi ring tagapagsalita at resource person si Lorie Fajardo, program manager ng Citizen Action Network for Accountability o CANA.

Tinalakay sa naturang seminar ang katangian ng isang mabuting pamahalaan, gayundin ang Public Fiscal Management. Nagkaroon din ng power point presentation kung paano nangyayari ang paglustay o pagnanakaw sa Priority Development Assistance Funds ng mga mambabatas sa sestema ng sabwatan ng mga tiwaling opisyal at ng mga pekeng NGO’s ni Janet Lim Napoles.

Sa Katapusan ay napag-usapan ang solusyon kung paano mapipigilan ang malalang kurapsyon sa pamahalaan, kailangan anilang kumilos at bumuo ng grupong magbabantay.

Dumalo at nakiisa sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng NGO’s at PO’s sa Aurora, katulad ng Bataris, JPAG, PAMANA, AKAP at iba pang mga istitusyon, gayundin ang sektor ng Simbahan. (Rey S. Fernando)

Comments