Kagamitan na nagkakahala ng P11,000.00, ninakaw sa isang residente ng Bayan ng San Luis-Aurora

Naghihimotok at halos maiyak sa sama ng loob sa lumapit sa CMN News ang isang lalaki na biktima ng pagnanakaw upang idaing at ipanawagan na kung sino man ang napagbentahan ng mga kinalibat sa kanyang mga kasangkapan, itoy ipaalam lang sa kanya at nakahanda aniyang magbigay ng pabuya.

Ang biktima ay si Edwin Templanza, 35 taong gulang at residente ng Purok 2, Barangay San Isidro, San Luis, Aurora.

Ayon kay Templanza nangyri ang pagnanakaw sa pagitan ng alas 2:30 hanggang alas 3:00 ng madaling araw noong Huwebes (Feb. 6, 2014).

Natangay ng mga magnanakaw ang kanyang tools at isang Yamato Barand na welding Machine, ang halaga ng mga nakulimbat na mga kasangkapan ay nagkakahalaga ng humigit kumulang sa labing isang libong piso (P11,000.00).

Dagdag pa nito na nakahanda siyang magbigay ng pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon kung sino ang mga salot na kawatan, gayundin kung sinumang mapagbentahan ng kanyang kasangkapan ay handa itong tubusin. (Rey S. Fernando)

Comments