Mga guro, mag-aaral, at miyembro ng media nakiisa sa pagtalakay hinggil sa Environmental protection

Nakiisa ang mga guro, mag-aaral at ilang miyembro ng media bilang bahagi ng programang “Hatid Batid Mula PIA” sa pamumuno ni Ginoong Jojo Libranda ng Public Information Agency hinggil sa Environmental protection.

Ayon sa ipinatutupad na batas bilang Executive Order 23 ay walang sino man ang pinapayagang pumutol sa mga natural forest maging sa mga residual  o mga napag iwanan ng logging. Maliban dito, pinapayagan naman ang mga may ari ng plantasyon na rehistrado lamang sa DENR. 

Isa rin  sa programa na ipinatutupad ng DENR ay mobilizing stake holders na siyang kaakibat ng ahensya para maprotektahan ang kalikasan laban sa mga mapang abuso sa kalikasan. (Melanie Hugo)

Comments