NTSTODA General Assembly, nakatakdang isagawa ngayong araw

Magsasagawa ngayong araw ng Biyernes (Feb.28, 2014) ang samahan ng NightTime Service Tricycle Operators and Drivers Association o NTSTODA ng kanilang General Assembly upang malaman ng lahat ng kasapi nito ang kalagayan ng kanilang samahan sa kasalukuyan.

Dito nakatakdang isagawa ang pagkakaroon ng bagong pamunuan ayon sa kanilang Saligang Batas at batay narin sa Malayang napagkasunduan sa himpilan ng Pulisya sa Bayan ng Baler upang maayos at malinis ang mga paratang na inaaakusa sa kanilang samahan.

Ang naturang Asembliya ay gaganapin sa Angara Hall, sa loob ng Baler Central School ganap na ika-9:00 ng umaga.

Kasabay nito, nananawagan si Ginoong Rommel R. Mendoza, Pangulo ng NTSTODA sa lahat ng miyembro na dumalo sa nasabing pagpupulong bilang pagsuporta sa magandang adhikain at mabuting serbisyo ng samahan. (Arnel M. Turzar)

Comments