Regional Annual Administrative Tactical Inspection, ginanap sa Baler



Sumailalim sa ginanap na Regional Annual Administrative Tactical Inspection noong lunes (Feb.3, 2014) ang mga KADETE ROTC ng tatlong pangunahing koleheyo sa lalawigan ng Aurora, ang Mount Carmel College Baler (MCC), Wesleyan University Phil.-Maria Aurora at State College of Technology (ASCOT).

Ang RAATI ay isinasagawa upang iasess ang mga kadete ng ROTC sa rehiyon, ang aktibidad ay isinasagawa sa oval ng Baler Central School.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakasama sa naturang aktibidad ang mga KADETE ng MCC, Wesleyan at ASCOT na ikinasiya ng mga ito na sila ay nagtamo ng 93.13 na puntos sa isinagawang tactical inspeksiyon.

Naging panauhin sa naturang tactical inspection sina Dr. Rowel Olila, College Affairs ng MCC kasama sina Miss Mylene Clugtong, Amorfina Costa at Myla Carrasco.

Pinangunahan naman ni Col. Napoleon Baluyot, chairman ng RAATI Inspection Team ang mga kasama na sina Maj. Labitaña, 2nd Lt. Lima, M/Sgt. Guillermo, Sgt. Romeo Marayag, Sgt. Ronald Velasco at Cpl. John Jay Lara.

Naging bantayan sa pagbibigay ng puntos ng inspection team ay ang mga sumusunod; admin. 20%, Military stakes 75%.

Samantala sa kanyang mensahe, pinasalamatan naman ni Col. Raul Juny DJ Castro, bagong group commander ng 3rd Regional Community Defense Group / 3rd RCDG-ARESCOM P.A at siya ring Commandment ng 3 koleheyo sa lalawigan ang mga guro, mga trainers/inspector ng ROTC mula sa 307 CAC-ARESCOM Aurora at ang mga Reservist na nakiisa sa naturang aktibidad.

Ipinaliwanag din ni Castro sa mga KADETE ang kahalagahan ng kanilang pagkuha ng ROTC, ito aniya ay makakatulong upang mahubog ang mga mag-aaral na magkaroon ng mataas na desiplina at pagpapatalaga sa sarili at bayan, gayon din ang pagtulong sa komunidad.

Dagdag pa nito na may inilaan din ang pamahalaan na inisyatiba sa mga mapapalad na KADETE ng ROTC.

Nanawagan din si Castro sa mga reservist na membro ng 1st Ready Reserve Battalion na manatiling aktibo ang mga ito sa kanilang pagiging laang kawal. (Rey S. Fernando)

Comments