Bilang ng mga turistang bumisita sa lalawigan ng Aurora, tumaas

Dumami ngayong taon ang bilang ng mga turistang nagtungo sa lalawigan ng Aurora.

Ayon kay Jhon Edward de Leon, ng Baler Municipal Tourism Office, ang  bayan ng Baler ay nakapag tala ng dobleng bilang ng mga turistang nagtungo sa lalawigan mula buwan ng Enero hanggang buwan ng Abri, 2014.

Ilan sa mga tourist attraction na dinarayo ng mga turista ay ang replika ng Dona Aurora House kung saan nakapagtala ng 14,269 ang mga nagtungo dito. Naitala sa kabuuang bilang na 29,216  na mga bisita ang nag tungo sa Museo de Baler.

Sa pagtaya may kabuuang  43,485 ang mga bumisita sa dalawang  tourist attraction sa bayan ng Baler.

Ayon pa kay de Leon, patuloy pa ang pagdagsa ng mga turista na nagtutungo sa lalawigan ng Aurora lalo na ngayong summer season.

Mapapansin naman sa datos ng Tourist Arrival Summary  ng ahensya, na karamihan sa mga ito ay mula pa sa karatig probinsya gaya na ng Nueva Ecija at Pampanga.

Karamihan sa mga ito ay mga balik bayan habang ang ilan ay foreign tourist mula pa  sa ibat ibang bansa.

Comments