Kabataan ng Dipaculao, sumailalim sa Seminar and Workshop Training - Youth Day Celebration 2014

Sumailalim sa dalawang araw na Seminar and Workshop training ang ilang kabataan at mga opisyal ng komunidad sa bayan ng Dipaculao, Aurora kamakailan sa Apete Theater Hall.

Ang programa ay bahagi ng “Youth Day Celebration 2014” o pagdiriwang ng araw ng mga Kabataan.

Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kabataan tungo sa pagharap sa hamon ng panahon upang matuto at makiisa ang mga ito sa mga proyekto na isinusulong ng pamahalaan.

Comments