Labi ng pinatay na lalaki ng notorious grupo sa Dinapigue Isabela, nai-uwi na sa tahanan nito sa Madela Quirino.
Naiuwi na sa
sarili nitong tahanan sa Bayan ng Maddela, Quirino, ang labi ni Alfredo Putang na pinaniniwalaang pinatay ng Ibuked sa Dinapigue noong ika-12 ng Abril, 2014.
Si Putang ang
pinaka huling naging biktima ng pagpatay ng isang grupo na tribong ibukid sa
Sitio Didin, Brgy. Dibalo, Dinapigue, Isabela sa buwan ng Abril, 2014.
Ayon sa
natanggap na impormasyon ng CMN News, mula sa mapag kakatiwalaang source,
kasama ang iba pa, nag tatrabaho umano ang biktimang si Putang sa isang kaingin
ng atakehin sila ng notoryus na grupo ng ibukid na pinamumunuan nina Abucay at
Beros, habang ang mga ito ay armado umano ng di sabog at carbin riffle.
Samantala, ang
grupong ito ng mga ibukid ay siya rin umanong responsable sa pagpatay sa isa
pang lalaki sa Brgy. Ura, Dilasag, Aurora noong nakaraang taon.
Ang grupong
ito ngayon ang nagdudulot ng takot sa mga kaingero sa bayan naman ng Dinapigue,
Isabela.
Comments
Post a Comment