Labor Day sa Mayo Uno, ipagdiriwang sa lalawigan ng Aurora – NGO’s

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day sa buong Bansa sa Mayo uno, ipagdiriwang din ito sa lalawigan partikular sa sentral Aurora.

Sa pangunguna ng Multi-Sectoral Action Group (MSAG-Aurora) sama-samang magsasagawa ng maghapong programa ang mga NGO’s, PO’s, Taong Simbahan at iba pang Sektor sa ilalim ng paksang “Makatarungan sahod para sa manggagawa at magsasaka! Ipaglaban”.

Ganap na ika-8 ng umaga, pasisimulan ang programa sa pangunguna ng Banal na Misa na gaganapin sa Plaza o Covered Court ng Bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Matapos ang Misa susundan ito ng parada sa kabayanan ng Maria Aurora bitbit ang mga placard na nagsasabing “Itaas ang sahod ng lahat ng Manggagawa”. Ang parada ay pangungunahan ng Maria Au. PNP kasunod na ang mga dadalo.

Pagkatapos ng parada, muling pasisimulan ang programa, dito tatalakayin ang lokal at Pambansang kalalagayan ng mga manggagawa. Magkakaroon din ng mga pahayag at testemonya ang ilang mga manggagawang bukid at iba pa. (Arnel M. Turzar)

Comments