Market Day, isinusulong sa Barangay Reserva-Baler.

Isinusulong ng punong Barangay Reserva, Baler, Aurora ang  kanilang market day.

Ayon kay Kapitan  Michael Valenzuela, isa ito sa mga proyektong kanilang pinagtutuunan ng pansin sa ilalim ng kanyang pamumuno  para  sa kanyang mga kababayan na dumarayo pa sa mga karatig bayan upang mamili ng kanilang pangangailangan.

Aniya kung sakali, ay balak nila itong itayo sa bakanteng bagsakan building na nasa Purok Uno ng kanilang Brgy. kung saan hindi ito nagagamit at napapakinabangan ng mahabang panahon.

Base sa kanilang napag-usapan sa Sangguniang Barangay, magsasagawa sila ng dalawa hanggang tatlong buwan na free trial para sa lahat ng mga mag titinda.

Kung sakali naman umano na maging matagumpay ito, tuluyan na nilang aayusin ang lugar katulad ng paglalagay ng palikuran, terminal ng mga tricykel at wet and dry section sa pamilihan.

Bukod pa rito, bibigyan ng pagkakataon ang mga negosyante sa mga karatig bayan upang makapag negosyo dito.

Samantala, nais naman nila na sa araw ng Martes ang kanilang palengke day para hindi sumabay pa sa mga bayan ng Ma. Aurora, Dipaculao at Baler.

Comments