Padyak para sa Kalikasan 2014, masiglang isinagawa ng mga siklista sa Aurora

Masiglang pumadyak ang may 250 siklista sa Sentral Aurora, Sabado, ika-26 ng Abril 2014 sa tatlong bayan ng lalawigan.

Nagsimula ang Padyak Para sa Kalikasan 2014 ganap na ika-7 ng umaga sa bayan ng Dipaculao umikot sa bayan ng Maria Aurora at San Luis.

Ito ay sa pangunguna ng Multi-Sectoral Action Group (MSAG-Aurora) at ng Bikaryato ng Valley-Ding. Ang naturang aktibidad ay may temang “MAGANDA ANG BUKAS KUNG ANG KALIKASAN AY LIGTAS”.

Nakiisa rin sa naturang programa si Bokal Mariano “Nano” Tangson, Board Member ng unang distrito ng Aurora, ganoon din ang Red Cross Aurora at ang mga Kapulisan.

Binigyan naman ng premyo ang pinaka matanda at batang babae at lalaki na nakiisa, ito ay sina Vicente Villarica – 73 anyos ng barangay Sabang, Josephina Marino – 50 anyos ng Barangay Buhangin, Edmark Manahan – 4 anyos ng Dinadiawan, at Beah Serrano – 5 anyos ng Barangay Kalabuanan.

Sa huli, ang pinaka puso ng programa, ang pagtatanim ng punong kahoy sa Bundok ng Kapayapaan sa Barangay Real, San Luis, Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments