Panukala para sa karagdagang drainage system sa Barangay Suklayin-Baler,. isinusulong ni Kapitan Morillo.

Isinusulong ni Barangay Captain Carlito S. Morillo ng Suklayin, Baler, Aurora ang patuloy na pagpapatayo ng karagdagang drainage system.

Matapos maisaayos ang drainage canal sa tapat ng kanilang Barangay hall sa Quezon highway patungo sa bahagi ng n.e Bodega to San Luis, ay nais pa nilang isunod ang ilang bahagi pa ng kanilang nasasakupan na nangangailangan ng konstruksiyon.

Sa panayam ng CMN news  kay kapitan Morillo, inaasahan na ngayong mga susunod na buwan  ay maisakatuparan na ang proyekto upang sa pagdating ng tag-ulan ay hindi naman na mahihirapan  ang lahat ng mga motorista maging ang mga naninirahan partikular sa bahagi ng Gloria St. at Passion St. ng Suklayin.

Aniya, kapag sumasapit ang panahon ng tag-ulan, ang mga nabanggit na lugar ay madalas binabaha na nagiging sanhi ng matinding pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan at pahirapan sa pagtawid sa baha ng ilang mga residente.

Comments