PCA, patuloy na nag-iisyu ng permit to cut sa lalawigan ng Aurora.

Patuloy ang pagbibigay ng permit to cut at permit to travel ng tanggapan ng Philippine Coconut Authority (PCA) sa Lalawigan ng Aurora para sa pagpuputol at pagbibiyahe ng coco lumber.

Ang naturang pagbibigay ng permisong ito ay para lamang sa DICADI at Coastal area ng San Luis, Aurora. Ito ang naging paglilinaw ni Senior Agriculturist ng PCA-Aurora Jun Milar Jr.

Dagdag pa ni Milar, nag-iisyu ang kanyang tanggapan ng permit to cut, at ito ay nakabase lamang sa mga puno ng niyog na napinsala ng mga nagdaang Bayo sa lalawigan noong mga nakaraang taon.

Sinabin rin nito na ang pag-iisyu nila ng permit ay sang-ayon na rin sa kautusan ng Main Office ng PCA na pansamantalang i-exempt ang Aurora sa ipinalabas na Memorandum Circular, hinggil sa moratorium at issuance to permit to cut at permit to travel ng coco lumber.

Subalit ipinaliwanag din ni Milar, na kapag inabutan na ang kabuoang halaga ng puno ng niyog ay hindi na sila mag-iisyu ng permit.

Base sa kanilang talaan, umabot sa humigit kumulang sa 27 libong mga puno ang napinsala ng bagyo sa Dicadi at Coasta area ng San Luis.

Comments