Tauhan ng MENRO Casiguran-Aurora, inirereklamo ng isang coco lumber dealer.

Inirereklamo ng mga coco lumber dealer ang mg tauhan ng Municipal Environment and Natural Resources o MENRO-Casiguran, na naka-base sa Barangay Bianoan ng naturang Bayan ang di umanoy panghihingi ng mga ito ng limang daang piso (500) sa bawat truck na may lulang coco lumber.

Ito ang reklamo ni Raul Juego, Provincial B.O.D ng coco lumber dealer sa Aurora, ng siya ay makausap ng CMN News sa tanggapan ng PCA sa ATC-Compound sa bayan ng Baler, Aurora.

Nangyari umano ang panghihingi ng mga tauhan ng MENRO-Casiguran, sa kanyang anak noong ika-15 ng April, 2014.

Sinabi pa umano ng mga ito na kung hindi sila magbibigay ay hindi papadaanin sa naturang checkpoint.

Ang isidenteng ito ay ipinagbigay alam narin umano ni Juego sa tanggapan ng MENRO-Casiguran, at nangako naman ang mga ito na bibigyan ng kaukulang aksyon ang kanilang reklamo.

Comments