Governor Jerry Noveras nag pahayag ng letter of intent sa ginanap na awarding ceremony ng Philhealth sa bayan ng Baler

Pormal ng binuksan kamakailan ang isa sa mga pangunahing programa ng Philhealth  sa lalawigan ng Aurora. Ito ang “Alaga Ka” na bahagi ng proyekto ni pangulong Benigno Aquino III, kung saan layunin nito na wala ng household ang hindi pwedeng maka avail ng  hospitalization benefits, sa ilalim ng universal coverage.

Sa ginanap na awarding ceremony ng Philhealth nagpahayag  ng letter of intent ang pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Jerry Noveras para maka tulong sa mga mahihirap nating kababayan. Dito makikipag tulungan ang pamahalaang panlalawigan sa Philhealth  hinggil sa no balance billing policy sa ilang pagamutan.

Sa no balance billing policy, tinuran ni governor Noveras na wala ni anumang lalabas mula sa bulsa ng mga mahihirap na miyembro kapalit ng gamutan o pagkaka confine ng mga  ito sa hospital. Maging ang mga gamot na kakailanganin ng mga pasyente kung sakali.

Kaugnay naman ito ng mga reklamo ng ilan mamayan na walang sapat na kakayanan upang bayaran lahat ang kanilang hospital bills sa pagpapagamot. Dahil dito tiniyak ng gobernador na maipapatupad ito at  sasagutin ang confinement  sa mga hospital. Tiniyak naman ng Philhealth na magagamit nito ang lahat ng mga benepisyo na dapat makuha ng mga miyembro. ito ay sinang ayunan rin ng lahat ng mayors dito sa lalawigan ng Aurora.

Comments