Kapitan Amatorio ng Brgy. Zabali-Baler, nagpaalala kay Kagawad Sanchez

Mariing pinaalalahanan ni Kapitan Jose Amatorio ng Barangay Zabali, Baler, Aurora si Kagawad Manuel “Dongdong” Sanchez na iwasan ang pag-iingay hanggang hating gabi at pagbabasag ng bote, pagmumura at paghahamon ng away ng kanyang mga tauhan sa tuwing ang mga ito ay malalasing dahil sa isyo ng kanyang babuyan sa Purok 3, Barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ito ay dahil sa reklamong madalas na nagkakaroon ng inuman sa kanyang nasasakupang bakuran, na lubhang nagdudulot ng takot sa mga bata at pagkabulahaw nito.

Nangako naman si Sanchez na hindi na ito mauulit pang muli. (Arnel M. Turzar)

Comments