Labor Day, pinagdiwang sa bayan ng Maria Aurora, Aurora - NGO's, Simbahan

Sama-samang ipinagdiwang ng may 300 katao ang Araw ng Paggawa o Labor Day kahapon, Mayo uno, sa bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Sa pangunguna ng Multi-Sectoral Action Group (MSAG-Aurora) sama-samang nagsagawa ng maghapong programa ang mga NGO’s, PO’s, Taong Simbahan at iba pang Sektor sa Aurora.
Ito ay sa ilalim ng paksang “Makatarungan sahod para sa manggagawa at magsasaka, Ipaglaban!”.

Ganap na ika-8 ng umaga, nagsimula ang programa sa pangunguna ng Banal na Misa na pinangunahan ni Deacon Ricky, na ginanap sa Plaza o Covered Court ng Bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Matapos ang Misa sinundan ito ng parada sa kabayanan ng Maria Aurora bitbit ang mga placard na nagsasabing “Itaas ang sahod ng lahat ng Manggagawa, at ibaba ang presyo ng mga bilihin”. Ang parada ay ginabayan ng Maria Au. PNP.

Matapos ng parada, muling pinasimulan ang programa, at dito tinalakay ang lokal at Pambansang kalalagayan ng mga manggagawa. Nagkakaroon din ng mga pahayag at testemonya ang ilang mga manggagawang bukid at iba’t ibang samahan, institusyon at simbahan. 

Nagkaroon din ng cultural presentation ang bawat samahan, dito ipinakita ang tunay na kalalagayan ng iba’t ibang uri ng mga manggagawa. 

Nagpahayag din ng suporta sina Rev. Fr. Israel Gabriel at Rev. Fr. Andres Lumasac. (Arnel M. Turzar)

Comments