May-ari ng babuyan sa Barangay Zabali-Baler, aminadong hindi sumunod sa tamang pagbababuyan

Aminado si Kagawad Manuel “Dongdong” Sanchez na hindi niya sinunod ang mga rekomendasyon ng mga naunang administrasyon ng Barangay Zabali sa kanyang pagbababuyan makaraang ito ay ireklamo ng mga residenteng malapit sa kanyang babuyan sa Purok 3, Barangay Zabali, Baler, Aurora.

Ang pag-amin ay bunsod ng ginawang paghaharap o pag-uusap na ginawa sa tanggapan ng Barangay Zabali noong nakaraang Sabado, ika-9 ng Mayo, makaraang ito ay muling ireklamo ng mga apektadong residente dahil sa mabahong amoy dulot ng hindi tamang pag-aalaga ng baboy sa gitna ng bahayan.

Aniya mayroon siyang ginawang safe ting tank subalit hindi ito ginamit dahil hindi aniya tama ang ginawang tangke, maliban dito, inamin din niya na talagang pinapakain nya ang baboy ng mga bulok na pagkain mula sa mga restaurant.

Dagdag pa ni Sanchez na talagang nagalit na may kasamang pagbabanta siya sa mga kapit bahay dahil sa naipabalita sa radio ang isyo ng kanyang mabahong babuyan.

Sa huli humingi naman siyang ng pansenya sa kanyang mga naapektuhan at nasaktan dahil sa hindi tamang pananalita, nangako siya na hindi na ito mauulit pang muli. (Arnel M. Turzar)

Comments