Problema sa sanitasyon sa Brgy Reserva-Baler, reresulbahin na

Isa sa mga nais  pagtuunan ng pansin ng pamunuan ng Barangay Reserva, Baler, Aurora ang problema sa pagtatapon ng basura sa  bahaging sakop ng Brgy. Reserva.

Sinabi ni Barangay Captain Michael Valenzuela, suliranin ng kanilang Barangay, pati narin ng ilang mga residente dito ang mga basurang sadyang itinatapon  pagsapit ng gabi sa gilid ng kalsada o national road, kung saan, pagdating  ng umaga ay kinakalkal naman ito ng mga asong  gala na pakalat kalat  lamang sa kanilang lugar.

ipapanukala rin ni Valenzuela ang pagtatalaga ng  Material Recovery Facility sa bakanteng  lote na kung saan dito rin nila nais itayo ang kanilang palengke.

Comments