Registration of voters nagsimula na sa bayan ng Maria Aurora

Nagsimula na ang registration of voters para sa mga bagong botante sa bayan ng Maria Aurora, Aurora. 

Kabilang dito ang pagpapatala para sa mga bago at datihan ng mga botante, transfer, change of entries, reactivation at enclosure of record.

Tumutulong at umaalalay din sila sa pag-update at validation ng mga record para sa may mga kapansanan o person with disability, senior citizen, at indigenous people. 

Ayon kay Ofelia Quiben - Comelec Officer sa Maria Aurora, bukas ang kanilang opisina hanggang araw ng Linggo upang patuloy na makapag bigay serbisyo sa lahat ng mga mamamayan ng kanilang bayan.

Comments