Katiwalian sa lipunan at ahensya ng pamahalaan, dapat labanan – Fr. Villanueva

Labanan ang katiwalian sa lipunan at sa mga ahensya ng pamahalaan, ito ang paninindigan ng Prelatura ng Infanta bilang mga mapanagutang katiwala at mga Binyagan, ito ang sinabi ni Rev. Fr. Nilvon co Villanueva noong araw ng linggo (June 8, 2014).

Mariin din niyang tinututulan ang pagsasamantala sa patuloy na pagtaas ng presyo ng karneng baboy at mga gulay na lalong nagpapahirap sa mga dukha na ang nakikinabang lamang ay ang iilan.

Marami din ani Fr. Villanueva ang mga tricycle driver na nananamantala sa paniningil ng pasahe sa mga dayuhang turista.

Dagdag pa ni Fr. Villanueva ang liham ni CENRO Raul Batang sa mga taga Sitio Deguisit, Baler, Aurora sa pagpapaalis nito sa may 30 pamilyang nakatira sa loob umano ng Salvage zone area, subalit nakapagtataka aniya ang isang istraktura doon na hindi kasama sa aalisin. Ito umano ay interes lamang ng iilan.

Nakakalungkot din aniya na may mga ahensya ng pamahalaan tulad ng CENRO at PENRO na ang laging nakikita na sumisira sa Kalikasan ay ang mga dukha, sa mga dukha lagi isinisisi at hindi sa mga mayayaman at maimplowensya na pangunahing dahilan naman ng pagkasira ng Kalikasan. Katulad na lamang ng isang dugha na taga Sitio Ilaya-Cemento na kanilang ipinakulong.

Isa umano itong katutuhanan na hindi talaga kakampi ng mga dukha ang mga pulitiko at ahensya ng pamahalaan sa Aurora.

Dahil hindi umano kapakanan ng mga dukha ang inuuna at pinaglilingkuran ng mga ito kundi ang kanilang pinagtutuunang pansin ang mga sariling nilang interes at mga mayayaman at makapangyarihan sa lipunan. (Arnel M. Turzar)

Comments