Banggaan ng motorsiklo at bus sa bayan ng Casiguran, driver ng motorsiklo dead on the spot

Dead on the Spot ang isang lalaki nang ito ay sumalpok sa isang D’Liner Bus sa kahabaan ng National Road sa bahagi ng Sitio Pugo, Barangay Tinib, Casiguran, Aurora noong ika-8 ng Setyembre 2014, ganap na ika-2:30 ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Jonard J. Molina, 27 taong gulang, residente ng Barangay Tinib, Casiguran, Aurora, habang ang suspek naman na driver ng bus na may body # 768 at plate # CRS 976 ay nakilala na si Andy Bolbor, residente ng Barangay Ditawini, Dinalungan, Aurora.

Base sa inilabas na ulat ng Casiguran Police Station, magkasalubong umano ang motor Kawasaki 125 na may plate # TZ 9125 na minamaneho ng biktima at ang bus. Nag-overtake umano ang biktima sa sinusundan nitong motorcycle kolong-kolong ng alanganing pagkakataon, nasakop nito ang linya ng kasalubong kaya ito sumalpok. Sa lakas ng impak agad na binawian ng buhay ang biktima.

Ang suspek ay maaaring maharap sa kasong Reckless imprudence resulting to homicide and damage to property. (Arnel M. Turzar & Rodrigo Javar)

Comments