CLEANUPDRIVE sa mga estero at kanal sa Brgy Suklayin Baler Aurora, nagpapatuloy dahil sa pagpasok ng tag ulan



Nag papatuloy  sa pag sasagawa ng cleanup drive ang   buong pamunuan ni Brgy Captain Carlito Morillo ng Suklayin  upang linisin at tanggalin ang mga baradong kanal at estero sa lahat ng nasasakupan ng nasabing brgy sanhi ng mga basura at iba  pang dumi dito.

Sa panayam ng CMN News sa kapitan, hindi lamang upang maprotektahan ang mga residente nito sa pag pasok ng tag ulan, kundi maiwasan ang ano mang sakit na  maidudulot ng pag baha sanhi ng maruming tubig at ihi ng daga na kadalasang humahalo sa tubig ulan  na nag dadala ng sakit sa mga tao.

Layunin din nito na maiwasan ang pag sisikip ng trapiko sa ilang mabababang lugar ng nasasakupan, partikular sa bahaging Gloria st na papunta sa Pamilihang Bayan at malapit sa Central Terminal ng Baler. (Melanie Hugo)

Comments