Ika-48 taon bilang Obispo ni Most Reverend Julio Xavier Labayen, masayang ipinagdiwang sa Infanta

Sama samang nagtungo at dumalo sa masayang Pagdiriwang at Pasasalamat sa ika-48 taon bilang Obispo ni Most Reverend Julio Xavier Labayen, OCD,DD, Obispo-Emeritus ng Prelatura ng Infata-Aurora, ang mga Pari, leader,  at MSK  ng Simbahang Katoliko ng Valley-Ding at iba't ibang institusyon at mga samahan sa Aurora noong ika-10 ng Setyembre 2014 na ginanap sa Katedral ng Batang si Jesus at ni San Marcos, Infanta, Quezon.

Naging tampok sa pagdiriwang ang Banal na Misa na isinagawa sa Katedral ni San Marcos, matapos ang misa kasunod na programa ang Kumustahan ng lahat ng dumalo na isinagawa naman sa Bp. Shanley Hall at marami pang ibang sktibidades, nagtapos ang programa sa isang Banal na Misa sa Bp. Shanley Hall pa rin.(Arnel M. Turzar)

Comments