INFODRIVE na isinusulong ng CLMA na isa sa mga programa nito, muli na namag nakapag hatid ng kaalaman sa mga kabataan



Matagumpay na nakapag hatid ng kaalaman kahapon hinggil sa tamang impormasyon sa pag mamaneho ng motorsiklo ang grupo ng Central Luzon Media Association na isa sa mga isinusulong na programa nito.

Kahapon nabahaginan nito ang mga mag aaral sa Ditumabo National High School sa bayan ng Sn Luis Aurora. Na nasa anim na raan apatnaput anim na mga mag aaral, at nasa dalawampu at anim naman na mga guro. Na nasa kabuuang anim naraan pitumput dalawa.

Pinamunuan ni Gng. Irene Llabe ng nasabing paaralan ang palatuntunan, na nagsilbing tagapag talakay naman ay sina Architect Chris Delos Trinos, Public Information Agency Officer Joselito Libranda, KABALIKAT at CMN patrol number 19 Rodrigo Rod Javar.

Kabilang sa mga tinalakay ng mga ito ay ang Anti Drriving Act, Administrative order at marami pang iba na sumasaklaw sa tamang pag gamit ng motorsiklo, pag kuha ng lisensya, maging ang isinasaad sa batas hinggil sa pag mamaneho ng menor de edad.

Sa kasalukuyan base sa datos ng grupo, ay umaabot na sa walong libo limang daan at apat na ang nahatiran ng kanilang info drive.

Samantala, nakatakda naman nilang isunod ang Aurora State College Of Technology ASCOT sa  Brgy Zabali Baler, ngunit wala pang nakatakdang araw ng pag bisita para dito.

Matapos dito sa buong bayan ng Baler, ay tutungo na ang mga ito sa Bayan ng Ma, Aurora, ganun din sa Bayan naman ng Dipaculao Aurora.

Comments