Integrated Social Forestry program (ISF) sa Barangay San Ildefonso peninsula, inaasahang muling maipagkakaloob sa mga magsasaka



Nabuhayan ng pag-asa ang 25 magsasaka ng niyog na nakikinabang sa Integrated Social Forestry program ng pamahalaan o ISF sa Barangay San Ildefonso peninsula, Casiguran, Aurpora ng malaman nila na muling maipagkakaloob sa kanila ang kontrata para ipagpatuloy na pagyamanin ang kanilang mga sakahan na ipinagkaloob sa kanila dalawang po’t limang (25) taon na ang lumipas.

Magtatapos na kasi ang 25 taon na ibinigay sa kanilang panahon para ito ay linangin sa December 14, 2014. 

Kaya naman nagbuo ng Technical Working Group na pinangunahan ng Community Environment and Natural Resources ng Casiguran (CENRO) kasama ang Environment and Natural Resources ng Aurora (ENRO), Municipal Environment and Natural Resources ng Casiguran (MENRO), Bataris Formation Center, Pinag-isang Lakas ng Samahan sa Casiguran (Piglas-ca), Local Government Unit (LGU) ng Casiguran at ang Barangay na nakakasakop, upang isailalim sa ebalwasyon ang mga sakahan. Samantala tinanggal na ang APECO sa Technical Working Group dahil wala naman umano itong derektang kapangyarihan sa usapin. 

Lumitaw sa ebalwasyon na fully developed umano ang mga sakahan, karamihang pananim doon ay produktong niyog at mga lamang lupa katulad ng kabi, kamote, saging at iba pa na siyang pangunahing hanap buhay doon.

Ayon sa mga magsasaka, bagamat hindi pa nila hawak ang resulta ng ebalwasyon, umaasa sila na bago matapos ang taung ito ay muling maipagkakaloob sa kanila ang kontrata. (Arnel M. Turzar)

Comments