Lalaki sa Brgy. Dinadiawan, sinaksak ng kasama sa bahay, dead on the spot

Dead on the Spot ang isang lalaki ng ito ay saksakin ng kutsilyo ng kanyang kasama sa bahay sa Barangay Dinadiawan, Dipaculao, Aurora noong Martes, ika-9 Setyembre 2014 dakong ika-10:30 ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Edgar Bayani, habang ang suspek naman ay nakilalang si Victorino C. Nuckyao, magkaibigan, kapwa residente ng Barangay Dinadiawan.

Lasing umano ang dalawa nang mangyari ang insidente sa loob mismo ng bahay ng suspek at doon ding pansamantalang nakatira ang biktima.

Nawawalang flashlight lamang umano ang pinagmulan ng kanilang pagtatalo hanggan sa humantong sa initan at pagkamatay ng biktima na nagtamo ng isang malalim at malaking sugat sa tagilirang bahagi ng kanyang katawan na siya nitong ikinamatay.

Agad namang kusang loob na sumuko ang suspek kay Kapitan Ike Amper ng Dinadiawan. (Arnel M. Turzar)

Comments