Maria Aurora Tourism in-charge nagpapasalamat sa tulong ng media upang makilala ang Maria Aurora bilang tourist destination…

Kasabay ng exploration stage ng mga bagong tuklas na tourist destination sa bayan Maria Aurora, Aurora pinag-aaralan na rin ngayon ng nangangasiwa sa turismo doon kung ano ang mga bagong aktibidades na kanilang i-a-alok sa mga darayong bisita sa lugar.

Sa ngayon ay lakad ng halos isang oras ang tanging paraan upang marating ang mga atraksiyong ito dahil kasalukuyang pang inaayos ang trail o landas gayun na rin ang mga bagong aktibidades na gaya ng water tubing na sasabay sa malakas na agos ng tubig. Dagdag pa dito ang kasiyahang idudulot sa tuwing namataang umaaligid sa himpapawid ang mga naninirahang Philippine Eagle sa lugar at magandang tanawin na katatampukan ng malawak na dagat pasipiko at ang luntiang kalawakan din naman ng Aurora Memorial National Park sa pamamagitan ng binabalak na view deck sa sitio Dimasinggay, Villa Aurora.

Samantala, kapos pa sa sapat na pondo at iba pang pangangailangan ang tanggapan ni Ginoong Dulay upang gawing masinsinan ang pagpo-promote ng turismo sa Maria Aurora subalit nagpapasalamat siya sa mga media millage na nakuha ng Maria Aurora mula sa iba’t ibang telebisyon gaya ng ABS-CBN kung saan natampok sa telenovela na Ikaw Lamang ang Balete Tree at ang San Vicente Ferrer Parish Church sa Maria Aurora at ang GMA-7 kung saan natampok naman sa isa sa mga travel shows nito ang Aurora Memorial National Park. (Ronaldo A. Ramos)

Comments