Nabiling kalabaw sa bayan ng Casiguran Aurora, nadiskubreng nakaw pala



Huli na ang lahat  matapos madiskubre ni Ginoong  Burik Suyat, 56 na taong gulang, residente ng Brgy Paleg, Dinalungan Aurora na nakaw pala ang nabili nitong kalabaw, matapos na makilala ito ng orihinal na may ari na si Generos Marcelo ng makumpirma mismo na ito nga ang nawawala niyang hayop.

Ang nasabing kalabaw ay binili ni Suyat nito lamang ika 19 ng Setyembre 2014 sa nasabing ding bayan, at ibinenta naman ito sa kanya ni Bebot Fernandez, residente ng Brgy 3, Casiguran Aurora.

Comments