Napabalitang paniningil ng kabayaran sa Maria Aurora Skills Development Center o MASDC, inamin at ipinaliwang ni MASDC Administrator Marcelina Jacoba…

Tinuldukan na ni Gng. Marcelina Jacoba, Administrator ng Maria Aurora Skills Development Center (MASDC) ang ulat na nakarating sa Sangguniang Bayan ng Maria Aurora na naniningil ng kaukulang halaga ang kanilang paaralan mula sa mga gustong magtapos ng kursong bokasyonal doon.

Ayon aky Jacoba totoong naniningil sila ng halagang limangdaang piso (P500.00) sa kanilang mga mag-aaral upang mapunan ang ilan nitong mga pangangailangan dahil wala pa silang sapat na kakayanan dahil nanatili pa rin silang community base ng TESDA o hindi pa pinopondohan ng TESDA National.

Sa kanyang paliwanag, alam ng lahat na talagang may binabayaran sa MASDC gaya ng ID na nagkakahalaga ng 100 piso, ang 200 piso naman ay para sa repair and maintenance at ang natitirang 200 ay para sa kanilang registration na napupunta naman sa mga biglaang pangangailangan ng mga trainees.

Aminado din si Gng. Jacoba na may pondong nakalaan ang LGU ng Maria Aurora para sa kanila subalit ito ang siya nilang ginagamit para sa honorarium ng kanilang mga trainor gayun din ang ilang bahagi ng pondo na ito para sa pambili ng ilang mga gamit at pambayad sa kuryente.

Sa kasalukuyan ay nag-aalok sila ng mga kursong bagay na bagay sa mga pangangailangan ngayon gaya ng hairdressing, dressmaking, computer hardware servicing, SMAW o Shielded Metal Art Welding, massage therapy at cookery.

Comments