Pang 7 sa most wanted sa bayan ng Ma. Aurora arestado na



Arestado ang isang lalaki sa isinagawang manhunt operation, ng pinalakas ng pwersa ng Ma. Aurora PNP nitong lamang ika 28 ng Setyembre, Linggo.

Ang suspek ay kinilalang si Romuno Victorio, 30 taong gulang at residente ng Brgy Mapalad, Dinalungan Aurora, kung saan din ito naaresto.

Ayon kay police inspector Rommel Zagala, nahaharap ngayon sa kaso ang suspek batay sa Republic Act 7610, o special protection for child abuse, na ipinalabas ni Honorable Jude Erwin Albana, ang preciding judge ng Regional Trial Court Branch 91, sa bayan ng Baler Aurora noong nakaraang July 25, 2013.

Comments