SK polls: tuloy na sa Peb. 21, 2015

Tuloy na ang nausiyaming SK elections sa susunod na taon. Ito ang tiniyak ni COMELEC Spokesperson James Jimenes. Aniya, dahil walang batas na nagawa ang kamara matapos na ito ay i-postponed nila noong nakaraang taon, obligado ang Comelec na ipatupad ang batas na nagtatakda ng SK elections para sa pagkakaroon ng kinatawan ng mga kabataan sa pamahalaan.

Dahil dito at sa bisa  ng Comelec Resolution No. 9899 na pinagtibay noong Setyembre 5, itinakda na sa Setyembre 20-29, 2014 ang pagpaparehistro para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Pebrero 21, 2015.

Paliwanag ni Jiminez, kung nakapag-parehistro na ang kabataang edad15-17 taong gulang noong buwan ng Hulyo ng nagdaang  taon, hindi na sila kailangang magparehistro ngunit kung ang mga nagparehistro noong nakarang taon ay 18 years old na sa pagsapit ng Peb. 21, 2015, awtomatikong tanggal na sila listahan.


Samantala, handa naman ang COMELEC sa maaaring gawin ng kamara hinggil sa SK elections. Mas makakabuti rin ani Jiminez, sa kanila na ma-postponed uli sa 2016 ang SK election upang hindi maging mahirap para sa kanila. (Ronald A. Ramos)

Comments