Tulak ng Shabu, naaresto sa Bayan Maria Aurora



Arestado ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Maria Aurora PNP sa pangunguna ni P/INSP Rommel Zagala at ng PDEA sa kanilang isinagawang buy bust operation sa Brgy. 02, Maria Aurora, Aurora noong ika-18 ng Setyembre 2014 ng gabi ang suspek sa pagtutulak ng shabu na kinilala na si Mario P. Padua, 38 gulang, may asawa at residente ng Brgy. 02, Maria Aurora, Aurora.

Narekober sa suspek ang apat na plastic sachet na pinaghihinalaang shabu at dalawang five hundred pesos na mark money.

Habang sinusulat ang balitang ito, ang suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Maria Aurora PNP bahang inahanda ang posibleng kaso na ipataw dito. (Arnel M. Turzar)

Comments