30 BFP personnel mula sa lalawigan, sumasailalim ngayon sa WASAR training

Sumasailalim ngayon sa isang pag sasanay ang nasa 30 BFP personnel mula sa lalawigan ng Aurora para sa isang pag sasanay sa Skills Enhancement Training sa lungsod ng Tarlac.
Sa panayam kay Senior Fire Officer 2 Gerardo Nacino mula sa Provincial Fire Station,
Ang mga ito ay kabilang sa Aurora Search and Rescue Team na napili upang sanayin sa water search and rescue, advance rescue training, mountain search and rescue, at medical first responder.

Ayon pa kay Nacino, sinasanay ang mga ito bilang pag hahanda sa mga kalamidad, at iba pang emergency cases na makakatulong ng malaki sakaling kailanganin ng pag kakataon.

Layon din nito ang karagdagang bagong kaalaman na matututunan ng bawat isa partikular sa pag sagip ng  buhay.
Ang nasabing gawain ay tatagal ng 20 araw.

(Spirit FM News)

Comments