56th IB PHIL. ARMY, TUMULONG SA PAMAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA CASIGURAN

Kaagad na tumugon ang 56th Infantry Battalion ng Philippine Army, para sa panawagan ng Operation Blessing Philippines upang makapag paabot ng tulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyong Lando sa bayan ng Casiguran, Aurora.
Dahil dito, tagumpay na naiparating ng grupo ang tulong para sa mga kababayang nakatira sa mga liblib na lugar sa Sitio Pontian, Brgy. Cozo Casiguran, Aurora.
Naipamahagi sa may 70 pamilya mula sa Dumagat tribes ang mga relief goods na sadyang inihanda para sa mga tribo doon.
Maliban dito, una ng nagpamahagi ng relief pack ang grupo sa iba pang lugar at brgy. sa bayan ng Casiguran, kung saan tinatayang nasa 750 na pamilya o 3,700 na indibidwal na ang kanilang naabutan ng tulong.
Dumating rin ang karagdagang 1,000 bags laman ng ibat-ibang kalakal ang ipinamahagi pa sa mga nasalanta ng bagyo sa lugar.
Nanawagan naman ang organisasyon na patuloy na manalangin para sa mga survivor upang muling maibalik ang dating normal na pamumuhay ng mga tao doon. (Spirit-FM News)

Comments