81st National Book Week isinasagawa sa bayan ng Baler

Ipinagdiriwang nagayong buwan ang ika 81st National Book ngayong taon ng Pamahalaang Bayan ng Baler sa pangunguna ng Municipal Library office, bilang bahagi ng Library Information Services Month, na nagsimula nito lamang ika 24 ng Nobyembre hanggang ika 30  araw ng Lunes.

Kahapon, personal itong dinaluhan nina mayor Nelianto Bihasa at vice mayor Karen Angara Ularan na isinagawa sa bawat paaralan ng elementarya at sekondarya sa bayan ng Baler.

Nagsagawa rin ng patimpalak sa larangan ng story telling, spelling bee, at quiz bee sa mga piling mag aaral ng bawat paaralan.

Kaugnay nito, nagbigay rin ng mensahe ang mga pangunahing bisita, kasama ang ilang Sangguniang Bayan members.
(Spirit FM News)

Comments