Baler PNP, muling nagpaalala hinggil sa Anti-Fencing Law

Mapapa bigat ang pataw ng mga taong makikinabang sa epekto ng krimeng pag nanakaw.

Ito ay sa kabila ng mga report hinggil sa talamak na nakawan ng gamit nitong mga nakaraang taon, gaya ng cellphone, loptops at iba pang uri ng mga gamit.

Sa ilalim ng Presidential Decree 1612, o Anti Fencing Law of 1979 at sa umiiral na batas hinggil dito, ang sino mang tumatangkilik sa mga nakaw na gamit  na tinatawag ding fence ay maaaring maparusahan rin bilang sangkot o kasabwat.

Kaugnay nito, ayon sa mga nauna ng panayam sa tanggapan ng Baler PNP, simula ng ipatupad ang Lambat Sibat Program sa lalawigan, kasabay ang maigting  na pag papatupad nito, ay nabawasan  na ang talamak na nakawan sa bayan ng Baler.

Samantala ang fencing ay may intensiyong kumita, bumili, mag benta o dispose ng ano mang bagay, kagamitan, at iba pang mahahalagang bagay mula sa pag nanakaw.
(Spirit FM News)

Comments