BANANA FERTILIZER IPINAGKALOOB SA MGA MAGSASAKA NG SAGING SA BAYAN NG BALER

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng Baler sa pamumuno ni mayor Nelianto Bihasa ang pamamahagi ng banana fertilizer sa mga banana farmers nitong ika 27 ng Nobyembre araw Biyernes.

Tumanggap ang mga napiling benepisyaryo ng tig iisang sako ng pataba para sa mga pananim na saging, na ipinamahagi ng LGU mula sa Department of Agriculture-Region 3, at ito ay sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office o MAO.

Sa nasabing gawain, dumalo si Ginoong Casimiro Tinio, bilang kinatawan ng punong bayan.

At sa panig naman ng MAFC, ay ang chairman nito na si Moises Dumandal, kasama ang ilang organisasyon o samahan ng mga magsasaging sa bayan ng Baler.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments