Christmas Bazaar 2015, mag uumpisa na sa susunod na lingo



Magbubukas na sa susunod na linggo ang Christmas Bazaar  2015  na ng isa sa mga dinarayo ng mga kababayan at turista na nag tutungo sa lalawigan.
Sa panayam ng CMN News kay Myra Ruzol, isa sa mga staff sa mayors office kahapon, umabot na sa humigit kumulang 50 partisipante ang nakapag patala na sa kanilang tanggapan, ngunit pag lilinaw nito na dadaan pa ang bawat isa sa ebalwasyon upang masiguro na lehitimong mamamayan lamang ng Baler ang magkakaroon ng pagkakataon na mabigyan ng pwesto.
Ngayong darating na ika 16 ng Nobyembre araw ng Lunes, pormal ng bubuksan sa publiko ang Christmas Bazaar kung saan maaaring makabili ng sari-saring mga produkto gaya ng souvenir items, RTW, mga kagamitan sa bahay hanggang sa pagkain.
Bukas naman ito sa publiko mula ika 6:00 ng hapon hanggang ika 11:00 ng gabi.
Ito ay tatagal hanggang ika 15 ng Enero taong 2016.
-Spirit FM News

Comments