DEADLINE PARA SA BUDGET PROPOSAL NG AURORA DAY CELEBRATION 2016 HANGGANG NGAYONG BIYERNES NA LAMANG



Kasado na ang mga inihandang programa ng Pamahalaang Panlalawigan para sa pagdiriwang ng Aurora Day Celebration 2016.

Sa panayam ng CMN News, matapos ang isinagawang pag pupulong nitong Lunes, may hanggang ngayong Biyernes na lamang ika-27 ng Nobyembre ang itinakdang deadline para sa pag susumite ng Budget Proposal para dito.

Naka sentro ang tema ngayong taon na “ Kaganapan ng mga Hangarin sa Pamamagitan ng Pamahalaang may Pananagutan”.

Nakatakdang buksan ang mga aktibidad bilang hudyat ng pag sisimula ng selebrasyon sa ika 8 ng Pebrero sa pamamagitan ng pag bubukas ng Trade Fair.

Ilan pa sa mga programang aabangan ng mga mamamayan ay ang surfing competition, skateboarding, celebrity basketball, biking, bingo, tourism fair, araw ng agrikultura, cultural night, praise night, Bb Aurora at Suman House.
(Spirit FM News)

Comments